ANO ANG IPINAPAHIWATIG NG IYONG KUKO TUNGKOL SA IYONG KALUSUGAN



ANO ANG IPINAPAHIWATIG NG IYONG KUKO TUNGKOL SA IYONG KALUSUGAN
Kaugnayan ng kuko sa ating kalusugan: Ano ang mga pagbabago sa kuko na maaaring may kaugnayan sa ating kalusugan. Ang kulay, hugis at texture ng kuko ay sumasalamin at nagpapahiwatig ng iba’t ibang health condition na mayroon ang ating katawan. Habang ang ibang symptoms ay harmless, ang iba ay maaaring nagpapahiwatig ng malalang sakit or chronic diseases. Ang yellowish na kuko ay karaniwang sanhi ng fungal infection at possible ring dahilan ng pagtanda. Ang sobrang putla ng kuko ay maaaring tanda ng nutritional deficiency or circulation problem na pumipigil sa dugo papunta sa mga kuko. Habang ang mga kuko na may bluish or purple tint ay nangangahulugan na ang katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na oxygen. Ang madalas na pagkasira or split ng kuko ay resulta ng kakulangan sa vitamin A, C and B12 (biotin). Isa pang possible dahilan ay ang madalas na paggamit ng nail polish remover. Ang vertical ridges at roughness na lumilitaw sa iyong mga kuko ay karaniwang tanda ng aging tulad ng mga wrinkles sa iyong mukha. Ngunit kung mayroon ka nito at the early age, ito ay indikasyon ng kakulangan sa vitamin B12 or magnesium deficiency. Kapag ang mga kuko ay nagsimulang matanggal from the nail bed na walang trauma or pressure, ito ay maaaring tanda ng hormonal imbalance.

#KukoDaliri #KalusuganNgKuko#Manicure
Disclaimer: This video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor does it replace professional medical advice, diagnosis, or treatment.

source

You May Also Like