16 SENYALES NA MATAAS ANG IYONG BLOOD SUGAR AT MGA KOMPLIKASYON NITO



16 SENYALES NA MATAAS ANG IYONG BLOOD SUGAR AT MGA KOMPLIKASYON NITO
Ang mataas na blood sugar ay seryosong sakit at kung hindi maaagapan, mapanganib. Wala ring pinipili ang sakit na ito, bata man o matanda. Paano mo malalaman kung mataas ang iyong blood sugar? Ano ang mga sensyales at komplikasyon nito sa ating katawan. Palaging pagod at masama ang pakiramdam. Ito ay resulta ng pagkakaroon ng imbalance sa level ng blood glucose. Kapag ang blood sugar ay palaging mataas, ang glucose na mula sa dugo ay hindi nakapapasok sa iyong cells. Ito ay dahil kulang ka sa insulin o mayroong insulin resistance, dahilan upang ang iyong katawan ay mawalan ng lakas para i-convert ang iyong kinain na maging energy. Dahil kulang sa energy, feeling laging gutom. Panay ang ihi, na isang senyales rin na mataas ang blood sugar. Ang iyong kidneys ay hindi kayang i-absorb muli ang glucose, dahilan upang umihi nang umihi. Ang bibig ay nanunuyo dahil sa mataas na glucose levels sa dugo at laway, na sanhi ng mataas na blood sugar levels. Ang mataas na sugar levels sa iyong dugo at mga tissue ay naghihikayat sa bacteria upang dumami at tinutulungan pa ang impeksyon na mabilis mag-develop. Kapag mataas ang blood sugar levels, ang lens sa loob ng mata ay namamaga – na maaaring maging dahilan ng panandaliang paglabo ng mata.
Disclaimer: This video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor does it replace professional medical advice, diagnosis, or treatment.
#diabetessymptoms #bloodsugarcontrol #bloodsugarcontrol

source

You May Also Like