Causes of inflammation and how to treat them naturally. Ang pamamaga o inflammation ay pinaniniwalaan ng mga eksperto na nagko-contribute sa maraming seryosong sakit. May 2 uri ng inflammation: Acute at Chronic. Ang Acute ay panandalian lang, nawawala pagkaraan ng ilang araw. Ang Chronic ay matagal, minsan inaabot ng buwan o taon bago gumaling – at bumabalik. Actually, ang inflammation ay parte ng defense mechanism ng katawan at may papel na ginagampanan sa proseso ng pag-galing. Pero hindi dahil may pamamaga, ibig sabihin ay may impeksyon. Marami pang ibang dahilan. May mga natural na paraan kung paano ito gamutin. Pabalik-balik na impeksyon. Subukan ang natural na antibiotic tulad ng bawang. Lumabas sa isang pag-aaral na epektibong treatment ito sa Salmonella at E. coli.
Kulang sa cortisol. High-salt diet ang isang paraan upang malabanan ang di sapat na cortisol at para tumaas ang metabolites. Kumunsulta sa doctor para sa tamang paraan nito.
Kung may inflammation na nangyayari sa katawan nang walang visible sign, makabubuting itanong sa iyong doctor kung may side effects ang gamot na iniinom. Wag mag-take ng gamot nang walang pahintulot ng doctor.
Kailangan ng katawan ang iron. Pero kung sobra, pwedeng maging sanhi ito ng pagkasira at pamamaga ng organs, partikular ang atay, pancreas, at puso. Baguhin ang diet upang mabawasan ang intake ng iron.
Disclaimer: This video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor does it replace professional medical advice, diagnosis, or treatment.
Sources: healthline, webmd, mnt, Harvard.edu
#INFLAMMATION #PAMAMAGA #Manas
source