ECZEMA PROBLEM: MEANING AND CAUSES
🔴Ano ang eczema?
➡️Ito ay kondisyon kung saan ang apektadong balat sa katawan ay nakararanas ng pamumula, pamamantal at pangangati.
➡️Kilala din sa tawag na “atopic dermatitis”, ang eczema ay hindi nakakahawa kaya hindi ito maaaring makuha o maipasa sa ibang tao.
*Bagama’t madalas ito sa mga bata, ang eczema ay maaaring maranasan sa anumang edad.
🔴Anu-ano ang mga sanhi ng eczema?
May ilang dahilan kung bakit nagkakaroon ng eczema ang isang tao:
➡️Kapag ang immune system ay nagkakaroon ng matinding reaksyon sa mga bagay sa paligid gaya ng tuyong hangin, alikabok, usok sigarilyo at polusyon
➡️Kung ang iyong mga magulang ay nagkaroon na ng eczema, allergies, hika o allergic rhinitis
➡️Kapag may problema sa balat: mabilis itong matuyo at madaling nakakapasok ang mga germs
Maaari namang lumala ang eczema sa mga sumusunod na pagkakataon:
➡️Kapag kinakamot ang apektadong balat
➡️Kapag naii-stress
➡️Kapag sobrang naiinitan o nalalamigan
➡️Kapag pinagpapawisan
➡️Kapag nagsusuot ng damit na magaspang sa balat
➡️Kapag na-expose sa balahibo ng hayop
➡️Kapag na-expose sa matatapang na sabon at kemikal.
Kung gusto nyo panoorin ang part 2 ng content na ito, watch it here 🤗
➡️
✅Kung bago ka lang sa channel ko, please hit the subscribe button and if you have questions and tips just let me know sa comment box. I love to help you with your questions and concerns. 🤗
source