11 BODY SIGNS NA HINDI DAPAT BINABALE-WALA
Kadalasan ang ating katawan ay nagpaparamdam if something is wrong with it. Listen to your body – and listen to it carefully. Yan ang karaniwang naririnig kapag pinag-uusapan ang kalusugan. Kaya kung may ipinahihiwatig na kakaiba ang iyong katawan, huwag itong balewalain. Kung napapansin mo na namamayat ka at walang ganang kumain, maaaring symptom ito ng metabolic disorder. Ang metabolic disorder ay nangyayari kapag ang proseso ng metabolism ay bumagsak, na siyang dahilan upang ang katawan ay magkaroon ng napakarami o napaka-konting mahahalagang substances na kailangan upang maging malusog, ayon sa healthline. Kapag ang paa ay kulay pink at hindi nawawala ang pamumula, mabuting ipa-check ito, lalo na kung parang manipis at kulubot ang bahagi ng paa. Maaaring may metabolic problem ka, tulad ng diabetes. Kung ang kuko mo ay nag-iiba ng korte, kumakapal at lumalapad nang wala kang ginagawa – ang tawag dito ay nail clubbing. Ito ay maaaring senyales na may problema ka sa puso o kaya naman ay mababa ang oxygen sa iyong dugo na pwedeng sign ng sakit sa baga. Normal lang na ikaw ay magkasakit pero kung tumatagal na at pakiramdam mo there is really something wrong with you, huwag nang maghintay na gumaan ang pakiramdam. Sinasabi na ng iyong katawan na kailangan mo na ng medical attention right away. Ugaliing magpa-konsulta sa iyong doctor, may sakit man o wala.
Disclaimer: This video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor does it replace professional medical advice, diagnosis, or treatment.
#Senyalesng #sintomasng #paanomalalamankung
source